Wish ni Champ Bohol sa Pinoy Athletes

Dis. 14, 2016 Ni Danny Simon

TAGUMPAY SA 2017- OLYMPIC GOLD SA 2020

MAS maraming tagumpay sa 2017 na aanihin ng mga atletang Pillipino ang siyang hangad ni dating world boxing champion Rolando Bohol ng Pilipinas na ngayo’y nakabase na sa Estados Unidos.

Kailangan din ayon sa 1988 world titlist na si Bohol na kailangan na ang komprehensibong paghahanda ng lahat ng konsernado upang makilatis na ang mga cream of the crop athletes na isasabak naman sa Tokyo Olympics 2020.

“More international success for Filipino athletes in the years to come.More Manny Pacquiao(s) and Olympic gold(s) in any sports discipline for the country”,wika ng matagumpay na ngayong negosyante sa PM panayam ng TONITE Police Files.

Optimistiko si Bohol na kayang pondohan ng pamahalaan ang quest for glory sa sports ng atletang Pinoy lalo na kung nagkakaisa lahat ng sports leaders partikular sa PSC ,POC at national sports associations ,bawasan ang sobrang pulitka sa larangan at ang mga sports leaders ay nabibilang sa mga hanay ng young blood na pinuno.
“Good luck to Pinoy athletes in 2017 and beyond.Go fo gold,”ani pa Bohol ng 24hourshopnet.