THERE’S LIFE AFTER BOXING-CHAMP BOHOL

Ni Danny Simon, November 29, 2016

SA paglipas ng panahon, palaging may kampeong Pilipno na sisibol sa mundo ng boksing dahil sa likas na pagmamahal ng Pinoy sa bakbakan sa parisukat na lona.

“Filipino boxing champs come and go. Our boxing heroes never die, they just fade away’, wika ng dating world champion na si Rolando Bohol [sa pm] na nakabase na sa Estados Unidos pero ang puso ay nananatiling nasa kanyang

sinilangang Pilipinas.
Wish ng 1988 World Flyweight titlist inagaw ang korona vs defending champion na si Chang Ho Choi ng South Korea] na si Bohol na lahat nang nagkakampeong Pinoy fighters ay iisipin ang hinaharap habang tanyag at nasa ituktok ng pedestal at gamitin ang kinita sa puhunang dugo,luha at pawis sa produktibong paraan partikular sa aspeto ng investment sa negosyo kapag isusukbit na ang fighting gloves na senyal ng pagtatapos ng karera sa pakikipagbakbakan at buksan ang pintuan para sa pangkabuhayan sa panibagong pahina ng aklat ng buhay,

Ikinalulungkot niya aniya na may mga dating kampeon na nagtamasa ng sagana at katanyagan na nauwi sa wala ang lahat ng naipundar matapos na magwakas ang karera, Ikinagagalak naman niya ang mga tsampiyon na marunong sa pag-alaga ng kinita ay kailanman ay di na makakatikim ng pinagdaanang kahirapan dahil tinanatamasa ang yamang bunga ng pinagsakripisyuhan.

Ang turning 51 sa susunod na buwan na si Bohol ay pride ng Himamaylan sa Negros Occidental at ng Sambayanang Pilipino mula noon at magpa-hanggang sa ngayon dahil napanatili nito ang pagiging kampeon simula sa palakasan at sa larangan naman ng negosyo sa kasalukuyan.

Dahil si Bohol ay di lamang talent sa boxing ang angkin talino at talas ng isip din ang baon nito sa pakakapagsapalaran sa ibang lupaing malayo sa sinilangang Pilipinas.Tunay na there’s life after boxing para sa kampeong si Lando.

Isa nang matagumpay na Pinoy entrepreneur si Bohol sa Estados Unidos. Magmula sa Hawaii ay tumungo ito sa mainland sa Las Vegas, Nevada at doon ay nag-klik ang kanyang sariling likhang on-line business na may saklaw na 75 bansa http://www.24hourshopnet.com at http://www.rolandobohol.com a naging isa sa world’s leading Web hosting provider. Marami siyang natutulungan dahil dito kaya magpa-hanggang sa ngayon ay kampeon pa rin ang taguri sa isang itinuring na gem ng Philippine sports.