BOHOL DAKILANG KAMPEON SA LAHAT NG PANAHON

By Danny Simon, November 21, 2016

KAPAG narinig mo ang pangalang Rolando Bohol ,kung ikaw ay isang taal na sports enthusiast ay ang larangan ng boksing agad ang iyong maaalala .Isa lang naman siya sa magigiting at dakilang boksingerong Pilipino na nakapagbigay ng karangalan sa bansa bukod siyempre sa ating boxing icon Manny Pacquiao, alamat na si Gabriel ‘Flash Elorde at iba pa na lumilok ng kanilang pangalan sa parisukat na lona at sa buong mundo.

Ang turning 51 sa susunod na buwan na si Bohol ay pride ng Himamaylan sa Negros Occidental at ng Sambayanang Pilipino mula noon at magpa-hanggang sa ngayon dahil napanatili nito ang pagiging kampeon simula sa palakasan at sa larangan naman ng negosyo sa kasalukuyan.

Tinanghal na kampeon si Roland nang agawin nito ang IBF World Flyweight title kay Chang Ho Choi ng South Korea noong January 16,1988 sa Maynila na naging hudyat ng makulay na boxing career ni Champ kasunod ang matagumpay na depensa sa isang Koreano rin pati na ang korona nito sa OPBF Super Flyweight matapos na pagulungin nito ang Thai fighter na si Maphai Naratchavat noon ding dekada ’80.Dahil sa kanyang katanyagan ay nagkaroon pa siya ng maraming product endorsements at pelikulang true-to-life na tumabo rin ng taginting na salapi sa panahong iyon..

Bilang mortal, di naman bed of roses all the time, may mga kabiguan din siya sa kanyang mga laban pero laging bumabawi ng pride ang Pinoy champion.- hanggang sa kanyang isukbit na sa gym ang kanyang fighting gloves para humarap sa panibagong pakikibaka at hamon sa buhay.

Dahil si Bohol ay di lamang talent sa boxing ang angkin,talino at talas ng isip din ang baon nito sa pakakapagsapalaran sa ibang lupaing malayo sa sinilangang Pilipinas.Tunay na there’s life after boxing para kay Ka Lando.Hindi siya katulad ng ibang boksingerong nagtagumpay, sumikat ,yumaman pero dahil sa kawalan ng talino ay nauwi lang sa wala ang naipundar mula sa pakikipagbakbakang puhunan ay dugo,luha at pawis.

Isa nang matagumpay na Pinoy entrepreneur si Ka Lando sa Estados Unidos.Magmula sa Hawaii ay tumungo ito sa mainland sa Las Vegas, Nevada at doon ay nag-klik ang kanyang sariling likhang on-line business na may saklaw na 75 bansa 24hourshopnet.com at RolandoBohol.com na naging isa sa world’s leading Web hosting provider. Marami siyang natutulungan dahil dito kaya magpa-hanggang sa ngayon ay KAMPEON pa rin ang taguri sa isa nating GEM ng Philippine SPORTS.

Mabuhay si Champ Roland. Isang araw ay maiisip nya ring bumalik sa kanyang sariling bayan upang i-share ang kanyang pormula ng tagumpay na nakamit sa ibang bayan…..ABANGAN!!!